VoNiChIwA
Female
kapiti coast

<< December 2021 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04
05 06 07 08 09 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31



If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed










 
Monday, March 08, 2021
Just my HAPPyENdING
WTF!!! as in!!!.. hehehehe... From the time that I started this blog andami nang nangyari sakin. naisip ko lang naman. from ako na bored lang nung college at tumatambay sa UST library para matulog, randomly habang hinihintay ate kong nerd matapos magaral sa library naghanap lang ako ng mapaglibangan and found this Blog site at nagemote ng heartbreak ko sa first crush ko since grade 3. till eto nagsastart nang magmanage ng mga department sa isang Super Market.. Holy Sh*t... nasaniban ka ba ng maganda and masayang spirito? HAHA! potek! halos mag 14 days na akong nagtatrabaho and never ko nafeel yung pagod.. well.. pagtulog siguro ako. (hindi ko naramdaman yung 5.1 na lindol.. LOL) anyhooo... Hai hindi ko maimagine na sobra akong nakafocus sa career path ko! timelapse from noon sinimulan ko tong blog based sa mga emotes ko.. parang timang lang. lahat. nawaste ko ba ang buhay ko ng ganun katagal? or minsan kasi good things take time talaga. is it good though? But I feel great as to where I am at this point of my life. ewan ko. being alone is just PERFECTLY GREAT!! at the moment. wahahaha.parang hindi mo mainda ang pagod lalo na pagnasa work ka.. siguro yung mindset shift.. paradigm shift. ganern siguro yung effect. ang sarap lang sa pakiramdam.. embrace the hustle. kahit nakaka kalbo. wahaha.. kumusta ka naman after so so many years of hybernation? but the thing is.. wala akong namiss sa buhay ko. parang halos lahat nagawa ko na (except drugs and other Vices) hanggang makarating sa ganitong klaseng mindset. but it took me 2 decades? waha! pero super thankful sa mga ganitong thoughts. nakakagaan ng sobra. I feel like nasa Nirvana ako at this point. haha! yung peace of mind and to finally focus sa sarili ko.. Hehehe.. ayun lang naman. Malay naman natin soon pagmagtatype ulit ako dito. so at this point of my life masasabi ko na ako na ang busy sa buong Universe. ang tagal ko tong dineny.. HAHAHA!!!.. So natapos ang 2020 ng sobrang saya! nagbalik loob sa Kdrama. after... Princess Hours.. nanood ng CLOY and the rest is history. eto yung nagpapaalis ng stress with the reality. Somehow. Nagstart and 2021.. Chinallenge ni Joanna Soh. Workout. yung akala mo kaya mo yun pala hindi! hindi! leg day is so painful! pero I gained muscles. feeling ko pagnatapos ko tong workout sesh na to kaya ko nang harapin ang buhay.. ANG HIRAP!! pero fulfilling pagnafefeel mo nang lumalabas ang Obliques mo! pampalabas ng ng toxins and toxic ng araw mo. One thing na natutunan ko sa workout ko na to is hindi lang pagiging tone ng katawan mo. to test your endurance, kung keri mo ba lahat and gaano ka kastrong. patience, matagal magpalabas ng abs a. LOL. next BALANCE, nasa core. Ano ang Core mo? Just my happening kanta ng AKMU.

Posted at 02:42 pm by VoNiChIwA
Make a comment  

 
Saturday, August 01, 2020
BEST YEAR 2020...
Haiya daming nangyari and ayun. so wala na! I'm super glad! :) nakakagaan sa pakiramdam after so many years! wihihi! ;) best feeling ever! I'm finally freed! wehehe..akala ko hindi na to mangyayari. so ayun na nga. masaya magisa. at this point. :) :) andaming nangyari pero one thing is for sure. masaya na ako! konting focus na lang sa mga mangyayari. ngayon ko lang binigyan ng chance sarili ko na pakinggan and gawin ang mga gusto kong gawin. like... humiga maghapon. wahaha... hindi ko nagagawa yun. kasi i always feel guilty. huhu. pero ayun. i fought for this din naman. haiya! actually, kahit medyo hanging pa ako ngayon (due to hindi pa ako totally permanent) in eenjoy ko lang kung ano ang meron ako. and yun ay and freedom ko from everything. I do feel depress just because.. but that doesn't mean na yung may contemplation part. pero sa totoo lang ang sarap sa pakiramdam. yung nakafocus ka lang sa sarili mo. and sa intuitions mo. hehe.. you trust yourself more than anyone else. :). All this time I could've listened to my own voice sana and hindi sa ibang tao. took me awhile to gain this. eto na siguro yung part na ako naman. and I'll make it to the fullest!! hehe. OMG!! andami kong gustong gawin, gusto ko na ulit magpaint! tapusin ko yung painting ko na napurnada ng four years. actually, lahat nang napurnada dahil sa mga emote ko noon.. shet! yung mga bagay na akala ko hindi ko malalagpasan. tinatry ko tapusin. 1. New Girl, super ganda ng ending! who would've thought na magkakachance ako na mapanood ulit and matapos siya and sa sobrang ganda niya inulit ulit ko ng 3x. wehehehe.. nung panahon na moving on stage ko pa. nakakaiyak lang. 2. Suits, omg!! sinimulan ko yung suits almost the same year na pinanood ko yung new girl. halos hindi ko pa kaya nun. lol. tinry ko to panoorin kasi sa depth ng story and intense ng mga banters baka sakaling makalimot. CHAR!ayun and tinapos ko din siya same year na tinapos ko yung New Girl. I think kaya super satisfied ako. takot din akong magisa noon. kaso parang mas naeenjoy ko na ngayon. :) naniniwala akong this is my best year. and nagsisimula pa lang siya. although, maraming setbacks ngayon dahil COVID. and I'm proud to say na isa ako sa mga frontliners. wehehehe. hindi ko man ginusto and inexpect na mapunta sa ganitong field, unti unti ko pa lang tinatanggap. so hintayin niyong ma accept ko na ito fully. HAHA!! and makapagfocus din dito sa field ng retail. hindi siya madali! and I'm still learning. gusto ko eto na din ang specialty ko. but hindi ko iseset aside and original passion ko.. ang art. sana ma-apply ko din. hehe. kung yung iba feeling nila malas tong year na ito, grabe eto yung year na nilolook forward ko since 2010. hahaha.. eto yung year na babawi ako!! paunti unti. :) super positive ako for Von 5.0 HAHAHAHAHA!!

Posted at 05:56 pm by VoNiChIwA
Comment (1)  

 
Saturday, June 15, 2019
HE WAS MINE
Yun lang kasi yung pinapakinggan ko.. so asan na ako ngayon?? dito pa din naman sa NZ and I'm still super thankful sa mga little things. na nangyayari sakin kahit ga-fragment na lang ng mga bagay bagay. SAP champion ako sa work at the same time inventory controller na din on top of my role as pricing.. hai. super busy ng buhay mo ang hinahanap mo na lang ay peace of mind. and uuwi ako sa pinas in a weeks. shet! shet! shet! oh dahil lang pala sa kasal ni marmi kaya ako uuwi. somehow hindi ako kinakabahan umuwi unlike nung 2017.. pero more of.. ano ba?... hindi ako sanay na hindi ko siguro siya makikita paguuwi ako. TBH isa sa mga ineexpect ko. IDK somehow relieved ba? 50% na ganun and 50% na malungkot. ewan ko... wala namang akong mga doubts sa buhay ko kasi alam kong hindi ako pinapabayaan ni Lord. minsan pasuspense lang like nung nadecline yung visa ko and naterminate ako hindi ako nakawork ng 1 month mahigit. mahirap kasi hanging. pero hindi ako takot. more of malungkot lang sa mga naform ko na relationships with friends. then bumisita si nobs dito nung November until January kasama si mama niya kasi nanganak si ate dyan and meron kaming ultra cute na bata dito sa bahay na antagal na namin gusto and pinipray. :) :).. Anyhow, ang random lang. I'm enjoying the serenity and yung paglalakad ko pauwi ng bahay namin. super!!! nakakaunwind. so yun si MM tumawag para sa price ng bag for OJ. and ang saya i was aiming for a really good working shoes and airpods para masaya ako lalo maglakad. THIZ IZ IT!! i know it's something pero super thankful ako! kasi meron na ako. :) :) :). I wish I have someone na pwede ko makausap na halos same ko kainterested makinig sa mga thoughts ko. there WAS one. well, other than my sisters... have I let him slip away? or siya lang umalis? promise hindi ko alam.. HHHAAAAIIII....

Posted at 07:02 pm by VoNiChIwA
Comments (2)  

 
Wednesday, November 29, 2017
Passenger Seat (kasi yun yung kanta)
at this very point of my life, eto na siguro yung pinakabusy sa buong pagkatao ko. wala na akong maisip kundi work. umay, stressed, saturated! lol. puro work na lang. hindi ko nga alam kung para san ko pa ginagawa to. para sakin? pero hindi naman kasi ako masaya na talaga sa nangyayari sakin sa work. hindi ko alam kung worth it pa ba yung bumabangon ako ng umaga para pumasok? para kanino ako bumabangon? hindi ko na alam. lack of insipiration. hindi na ako inspired sa buhay. hahahaha. alam mo na. well, matagal na. hindi ko alam. nakakapagod na, kahit magisip napapagod na din ako. hindi na nagfufunction ng maayos yung utak ko. tapos nung monday, ayun. OMG! thank you Lord!!! binigyan mo ng buhay ang pagkatao ko. =D ang saya lang isipin.. hanggang tuesday :) ewan ko.. andun kasi lahat. emotions FILLINGS ;) nakakaloka isipin pero masaya. yung in the middle of chaos may ganern. HAI. Lord isa pa please? joke. ;P sana lagi na lang ganun.. super busy nakakabaliw sa totoong buhay pero yun lang talaga nagpatigil lahat. HAI! paano kaya no?! Hindi ko alam nakakaloka lang. gusto kong umuwi nang ganun. yun siguro yung pinakamasaya. NAALALA MO NUNG NAGTHETHESIS KA? tpaos sa Jeep?? oo yung ganun, panatag ka. after mangarag sa school. walang salita idlip ka lang pero masaya yung tapos ng araw mo. tapos masaya ka pag gising kasi may pabati tapos sabak ka ulit. ganun. kahit wag na siya mainvolve sa mundo mo kasi pag nasa pareho na kayong circle ang saya lang.. yung ganun. :( ANONE? hindi ko na alam. pero ang saya ng ganun. yung walang salita salita. pero ok kayong pareho. :) nasanay lang ako siguro na yun yung comfort ba tawag dun? kahit walang ginagawa.. yung presence enough and yung shoulder pag iidlip ka na kasi napagod ka na lumaban. yun pala yun no? Thank you Lord super.. :)

Posted at 06:09 pm by VoNiChIwA
Comment (1)  

 
Thursday, August 31, 2017
LOOK WHAT YOU MADE ME DO
WEhehehe.... following taylor swift's new song.. she has changed since dun sa teardrops on my guitar.. IDK kung napost ko yun dito.. hahahaha.. or baka sa multiply which is wala na.. :(. anyhow.. lately i feel so restless. hindi ko alam.. i mean alam ko pala pero parang hindi ko na ulit makuha yung feeling ng calmness, peace and solitude sa buhay ko.. parang andaming nangyayari inside me. na nakakainis. nabubugnot ako sa ganitong feeling. and i just want to let it out. I haven't tried to bring back myself on the track. nawawalan ako ng motivation sa lahat ng bagay. naisip ko kung paano kung kuntento ka na tapos biglang tinanggal sayo yung mga bagay na nagpapafeel sayo ng "contentment", well as they say everything is temporary, ang hirap no? minsan yung mga ganun nawawaley. ayan nafefeel ko na ulit siya. oh well, hindi ko alam masyado ko na din kasing naiinvolve ang sarili ko sa mga tao.. hindi din ako yung ganun na inoopen ko masyado ang buong pagkatao ko sa lahat. medyo reserved mes. parang hindi ko mahanap yung lulugaran ko talaga. minsan iniisip ko hindi na ito yung gusto ko mangyari sakin talaga. alam kong may mga bagay pa akong dapat tapusin. pero naiinis lang ako kasi masyado kong pinapakialaman nangyayari sa paligid ko. i hate it... (HABANG NAKIKIPAGLARO NG WORDS WITH FRIENDS KAY NOBS IM TYPING THIS).lagi ko naiisip how simple my life was. ako lang din ba nagpacomplikado? ayoko sa kung asan ako ngayon, parang masyadong maraming nangyayari, siguro sa work, ayoko sa kung asan ako dun ngayon. gusto ko lang i-shut down yung sarili ko sa mga tao. paano kaya yun? paano kaya? hindi na ako kumportable. gusto ko lang talaga umalis muna kaso tinatamad ako magdrive. ang hirap na din talaga magpapasok ng tao. masyado na akong naiinvolve sa crowd.. alam mo yung feeling na nasusuka ka kasi andami nang tao sa paligid mo. pang isahan ka lang talaga.. minsan masyado nang marami ang dalawa. sampu pwede pa unless kilala mo ako 10 years ago. nasa midlife crisis pa ba ako? parang nalagpasan ko na yun.. iba naman to. what if bumalik ako sa basics.. back where everything started? sg? hehehe... ewan ko. I've got a lot of things that i've been dying to do. and forgot how to live.. charot.. ewan ko.. gusto ko lang talaga bumili ng sk2. ng sapatos, ng perfume, magmall ng alas singko, magkape sa starbucks, namiss ko na in short ang buhay sa sg, and si nobelle. yung maglalaakd ka sa mall and tumingin ng mga damit namiss ko na sina dior, chanel, guerlain, estee lauder, si changi din. bershka, uniqlo na sana binili ko yung leggings dun. shet! hahaha.. not that lavish life, pero yung contentment mo kasi napapasaya mo yung sarili mo at some point, parang yung nababalik sayo yung pinaghirapan mo (nakahit nakaupo ka lang talaga sa work ng almost 9hrs. pero bes kapagod yun a.hahaha.. bigyan lang talaga ako ng sign na bumalik dun.. gustung gusto ko. kakamiss kahit maliit na lugar yun.. singapore will always be my second country. pero kasi choice ko pa din talaga. gusto ko yung buhay ko dun. ang buhay ko dito ang dapat mag adjust. hahaha.. charot. time to redirectelf sa kung ano talaga ang gusto kong ma-achieve.. pano ba.. hmm... "It is necessary, and even vital, to set standards for your life and the people you allow in it." - Nakita kong pinost ni DESfriend. So i'm gonna live with this.. fuckshit kalerks talaga. nawawalan na kasi ako ng direction. (search ko lang kung ano ang meaning ng potpourri ulit. hehehe.. alam ko sinama yan sa spelling bee nung h.s. e and kung para saan siya) ok alam ko na.. its a mixture of things i mean dried.. HAHAHAHAHA!! ok. gusto ko magipon ng pera tapos ipangshoshopping ko lang.. hahahaha.. tae namimiss ko na talaga! alam mo yun.. kaso kung sana kasama ko si nobelle. potek lang. siya lang naman ang shopping buddy ko.FFUUCCCKK!!! HAHAHAHA.. anobey. at least nalabas ko na ang mga bagay bagay. namiss ko lang talaga yung mga dati kong ginagawa. shet. kelangan ko na din magleave. hai. paano ko kaya idedeal yung work. dun talga ako nahihirapan. tbh.. and siguro yung pagnagooff ako ng thurs. na parang hindi ko mafree or marelease yung sarili ko although so far eto yung pinakamasaya kasi ang tahimik tapos music lang.. hai. nakakamiss lang din talaga. alam ko na gagawin ko. sana makabalik na si nobs dito sa nz or kung hindi man.. sa sg na lang ulit kami. hahahahaha... next time ulit na kelangan ko maglabas ng mga bagay bagay.

Posted at 12:06 pm by VoNiChIwA
Comment (1)  

 
Sunday, February 28, 2016
what i really want
andami lang pumapasok sa utak ko right this very moment.. and kelangan ko ulit to i dispose but this time medyo ok naman siya paano ba? dispose but not totally.. get? ayun wala lang.. WHAT I REALLY WANT.. ano ba talaga gusto ko. kasi parang lagi akong may ideal shit sa buhay ko, pero bakit hindi ko nagagawa? masyado kasi akong nakakatakot.. well nung inakyat ko yung TE MATA PEAK.. in 5 seconds.. boom!!! alam ko na! :D. Grabe ewan ko.. yung thought lang na "Hard Work" masyadong mabigat.. it should be.. "Love your Work" kasi masyadong pressuring ang Hard Work alam mo yun parang tunog na walang enjoyment.. maganda kasi kung yung ginagawa mo is out of love.. same lang naman sila ng effect with Hard Work PERO yung process sobrang magkaiba.. and yung EFFECT nun sa tao is much different.. so you should always LOVE your work.. not working HARD on it.. may sense ba? ANYWAY.. yung idea din of calling yourself SMART over BEAUTIFUL.. wala lang.. yan magkaiba.. and you both won't get it at the same time. you're either of the two or none at all? may sense din ba? OH WELL.. ewan ko.. frustrating isipin na wala ako ngayon sa lahat ng ad agency sa buong mundo. Pero kasi alam mo yun (teka, hello tita Bhel! :D). iniisip ko kung gusto ko pa ba? paano kaya? or ano ba talaga ang gusto kong gawin? gusto ko i develop ang sarili ko.. sure nasa grocery ako nagwowork ngayon. but i WANT something sa kung asan ako ngayon.. dito ko aayusin ang lahat lahat.. "there's always time to do things RIGHT". ewan ko pagpasok ko.. i'm gonna change my perpective little by little.. sad that people think na "c/o lang naman yang trabaho na yan".. parang "fine arts LANG" puro LANG.. nakakasawa na marinig sa tao nakakalungkot.. but alam mo yung if you make something.... (shit that again).. T______T.. ewan ko kung anong topak.. anyway.. EWAN KO LANG TALAGA. nawasak naman ako dun.. ok.. i'm ok..

Posted at 06:28 pm by VoNiChIwA
Make a comment  

 
Monday, February 15, 2016
SUMMA HUMMA!!
EEEI???? wala lang.. nakita ko lang yung date. wala naman.. ANYWAY I've decided to write my thoughts well type rather.. TBH. inaantok ako BUT.. i just have to type this at some point. ewan ko.. well ever since this is where i dump my thoughts naman. so yun. actually wala ngang laman e. nililinis ko lang yung mga deleted files dito sa utak ko. no space for new stuff na kasi. so yun (nagkataon lang yung date ok).. HAHAHAHAHA!!! wala lang. gusto ko lang mag feeling ngayong gabi. parang mali yung oras. hhhmm... PH time pa din ata. Oh well! ewan ko... nakakapagod ang work.. WORK! so yun nga puro work ako lately.. may kelangan lang ipaglaban sa mga panahon na to.. una, money money MONEY!!!! hehehe.. para mabuhay and GOALS GOALS GOALSSSS!!!! pero siyempre AYOKO din naman talaga patayin sarili ko sa work.. gusto ko lang maabot yung gusto ko maabot sa liit kong to mgahirap kelangan ko ng upuan para maabot yun.. :)). so yun.. promise hindi ko naman pinapatay sarili ko sa work. in fact, nageenjoy nga ako. i welcome stress with open arms... with my hands clasp. :> pero promise gusto ko na umuwi sa pinas para mag bakasyon namimiss ko na din talaga mga tao dun.. sila motha and fatha and the sissies. ang late na ng oras may pasok pa ako bukas.. napapagod ako sa work. pero grabe kelangan lang talaga.. alam ko naman anjan si Lord.. I love you. alam mo yan. hai.. ok naman yung naging nangyari hindi ko alam kung san din ako pupulutin no.. grabe!!! may mas maganda pa pala kesa nun. pero siyempre hindi ko naman maiwasan mag alala yun in detailed pa.. LOL. parang yung kay Simon (OTWOL) lang ang memory ko, maganda yung ganung klase ng memory pero mahirap kasi in DETAILS mo naaalala lahat as in per sequence.. from scene 1. daming nangangagat na insect grabe! eewwee na yung flawless skin ko.. HAHAHA!! HHHAAaaaiii.... mukhang ok naman lahat. namiss ko lang mag "A" for EFFORT sa mga bagay bagay.yan kasi e.. edi sana.. hehehehe.. joke lang. grabe no. tagal na din teka dahil mahina ako sa math bilangin ko muna. 12...13... ah 4 years na halos.. hehehehehe.. kaloka.. hindi naman to maiiwasan diba? ganun na nga talaga.. diba ganito na ang deal ko sa sarili ko para hindi masyado masakit.. paunti-unti.. kaloka lang.. nasurvive ko din e no..wala na rin naman talaga actually, ok na ok yung healing process ko dito sa NZ... MAS OK kesa sa SG.. mas maganda.. mas maraming challenges.. STRESS pala.. hehehehe.. kaya yun. nakakamiss pero.. parang hindi ko na din talaga kaya maging ganun dati.. hahahaha. TA^&^$&^& nakita ko yung FB nung BABAing feeling maganda tapos dinuro ako.. T****** yung itsura niya.. hehehehe.. joke lang natawa lang ako.. pero yun.. hai. wala din naman nangyari kaya quits lang. (peace) hai.. siguro naman feeling ko ok na ako.. pag etong araw lang talaga.. bwisit.. pagbigyan naman na sana. minsan na lang e like once a year na lang o diba at least. :) ok naman kung hindi lang AUTO TUNE si Toni Gonzaga sa playlist ni nobelle.. HAHAHAHA.. yes 1:01am yan soundtrip namin.. hai.. buti hindi ako iniiwanan ni Lord.. labyu. Lord. idlip na me.

Posted at 05:58 pm by VoNiChIwA
Make a comment  

 
Saturday, July 11, 2015
DON'T KNOW WHY
napano na? @_@ dami kong gusto gawin. sa sobrang dami wala akong nagagawa.. mag basa ng marketing, gumawa ng drawing sa birthday ng new world, tapos mag basa. GRABE!!! ni isa wala akong natatapos as in. TIME IS TICKING!!!! ni isa sa plano ko wala pa talaga malapit na mag august... one year na lang na titira sakin dito sa NZ! and HONESTLY! ayoko na talaga sa work ko, AND ANG TAMAD TAMAD KO!!! :(. hindi ako umase asenso dahil sa katamaran ko.. grabe sakit pa ang procrastination? ang hirap lang e. andami pumapasok sa utak ko hindi ko man lang maapply lahat lahat ng to!!! "YOU'RE BRILLIANT BUT YOU'RE LAZY!" I AM!! tinatry ko naman labanan ang lamig ang lahat lahat... ang antok!!! nakakaantok kasi talaga ang kape na yun.. achievement unlocked!!! nakapunta na ako sa palmy hindi ko rin alam kung paano ko nagawa yun e... nakakahilo lang.. heheheh. nahilo ako sa byahe na yun kanina.. paikot ikot.... akala ko papunta na kami nun sa auckland.. pati eto hindi ko na rin talaga matapos tapos! my goodness gracious! hai!!! feel so meh! @_@ ayan hindi ako inaantok! but.... hehehehehehe... things to do: GOOD OMENS CODEACADEMY POSTER FOR NEW WORLD'S BIRTHDAY PORTFOLIO HINDI KO ALAM KUNG KELAN SISIMULAN YANG MGA YAN!!! I'M DOWN AT THE MOMENT! i'm living in a blur.. LOL. hindi ko pa ma foresee ang future and malapit na ako mag30 almost 3 years na lang!!!!! ang hirap kumawala sa ganito. i need some strength!!! @__@ ang hirap lang.. and I'M FAT! nafefeel ko na din ang bigat na ng buhay talaga.. LOL

Posted at 06:31 pm by VoNiChIwA
Make a comment  

 
Sunday, February 01, 2015
"WHEN I'M GONE"
wow! (so ngayon ko lang napansin na philippines yung time zone) oh well.. na feel ko na naman kanina yung ganun.. yung wala lang sa work, yung gusto ko na naman lumipat ng work. ewan ko.. hai OGILVY!!! ewan ko.. if its God's will... though di ko pa kasi natatry e. natatakot ako.. NATATAKOT. we just went to bay of plenty yo! anyway yun nga. yung parang wala na naman akong magawa na naboboring lang ako kasi paulit-ulit lang yung nangyayari.. walang bago. hindi ako feel na stable sa work ko. @________@. and ayun ewan ko ba.. ang bangag ko na naman. ang dami kong takot. @__@. sana hindi ganun. ewan ko @_@. http://ogilvy.co.nz parang naiimpossible-han ako para sakin. "if you have passion, drive and an unrelenting determination to achieve great things, we need to talk." ang praning ko na naman as always. hindi ko na uulitin dito kasi lagi naman talaga akong praning. ang chaka lang kasi may nag block sakin. inaano ko ba! e eventually naman magiging ok sila. i mean gets? ang labo lang e. sana ma-ready ko lang naman sarili ko pag dumating yung time na yun. hindi naman sa minamadali ko sarili ko.. i just feel na bored na ako sa nangyayari na parang ang flat ng mga nangyayari tapos pag dumating na naman si CHANGES, mapapraning na naman ako at least ngayon (sana) ready na ako kung sakaling dumating yun. hai. ang hirap lagi ng situation ko. hindi naman na ako mapanatag.... kelan kaya? Lord help me po. ang hirap minsan ng nangyayari sakin. nakakapraning lang. or ewan ko. lagi naman akong in doubt and at the same time takot sa mga nangyayari and pwedeng mangyari. yoko lang ng ganitong pakiramdam.. kelangan lakasan ko na naman loob ko.. ACOUNTS MANAGER? @_@.. ang impossible tignan.. ang negative ko. hahaha..

Posted at 05:55 pm by VoNiChIwA
Make a comment  

 
Sunday, June 22, 2014
SMART MOUTH
AAAAHHHhhhhh.. YUNG sinulat ko!!!!! nawala na parang na flush na sh$^$&^%*($@&^$&@#T. LOL ok yun nga.. lech! ang drama ko lang dun.. parang ang bi-polar ko lang kanina naiiyak pa akong isulat yun. hahaha.. anyhow.. feeling ko lang kasi nalabas ko lang yung mga hinanakit ko.. hhhaaaii... di ko na din kasi alam ang gagawin ko sa sarili ko. ever since naapak ako dito sa bottom of the earth parang akala ko ok na ako.. grabe.. parang lalo akong namatay.. kasi nabubugbog ako spiritually and emotionally. (emote na ulit) although mas harsh yung post ko na NABURA. ok lang.. ang empty lang ng buhay ko yung parang wala na naman akong patutunguhan.. ang hirap kasi parang akong yung nagsabit ng lubid sa leeg ko na nasasakal din naman ako na ang hirap nang tanggalin kasi naman nalayo ko na yung upuan na susuporta sakin.. ang tanga ko siguro sa ganun. ewan ko. ang hirap lang.. hindi ko ma enjoy.. parang narerestrict ako or ako lang ba nagrerestrict? hindi ako makalaya sa nangyayari sakin. lost na naman ba ako? ang hirap kasi every time na pag nahahanap ko na ang sarili ko lumilipas lang tapos bago na naman.. ang hirap lang (pigilan moooooooo!!!!!) tinatry ko naman.. kasi alam kong ako lang din ang talo pag ganito.. ilang beses na to bakit kasi hindi ako matuto tuto sa mga ganito.. masaya kasi sa simula.. tapos ayan na naman unti unti na namang ayan... wala na. nararamdaman ko namang malapit na.. hay ang hirap gumawa ng first step. kasi eWAN ang gulo lang.. (nakakaiyak naman kasi) lumiliit na ang mundo ko. ewan ko nararamdaman ko lang. ang hirap na ng ganito.. hindi naman ganito talaga dapat. ang hirap gumawa ng move kasi yung nangyayari sakin sa araw araw ang pumapatay sakin. grabe.. parang kulang na lang ipasagasa ko ang sarili ko.. hindi ko inexpect na ganito ka worst ang mangyayari sa buhay ko.. nag sisimula nang maagnas ang kaluluwa ko. hindi ako nababaliw, namamatay ako, ANG HIRAP PO.... ganito na lang nang ganito.... yun at yun lang din.. ang hirap kasi hindi ko mahanap yung dapat kong makita.. binubulag ko ang sarili ko. alam ko namang wala akong halaga sa paligid ko.. pinagsisiksikan ko na naman.. hindi ko alam kung ako yung cause ng lason kasi ako din na so- suffocate. ang magandang picturesque lang na bigay ni Lord ang nakikita kong perfect at ang bike the rest wala na. buti meron... at yun lang ang naaappreciate ko sa lahat. ni hindi ko na nga makuhang harapin si Lord.. dahil napaka agnas na ng kaluluwa ko.. and pinapatay pa.. ang bigat lang.. DETACCCCHHHHH... yun na lang siguro ang dapat kong gawin. hind ko alam kung paano... ewan ko.. eto na naman yung babarilin ko na naman yung sarili ko. eto ba yung dapat gawin. kung meron lang sanang aawat.. pero dapat hindi ako magexpect ng may aawat sakin. kasi the more na ineexpect ko hindi ko magagawa e. masakit pero eto siguro yung way para maging ok ako. dapat hindi ako matakot kasi alam kong anjan si Bro. malulungkot lang ako. hhhhaaaaiiiii... ang lungkot NG BUHAY....

Posted at 09:47 pm by VoNiChIwA
Make a comment  

Next Page