Entry: My Little Bossing Friday, June 20, 2014



Weird time to write on my journal lang. :D Saturday, 2:18 am NZ time.. ewan napapaisip na naman ako. #SEPANX bakit ang hirap mo maovercome.. i know at some point dadating din yung time na maeexperience NA NAMAN kita. at nakakabaliw ka. hhhmm..(literal nag buntong hininga talaga ako) anyway... naisip ko lang na hindi naman malabong mangyari na magkakahiwalay din tayo. natatakot ako honestly kasi ayan na naman ako.... hatest word ever created.. ATTACHEMENT.. oo bakit ang hirap mo i detach para kang lungs.. pagnawala ka ramdam kong kulang. hindi ako makakahinga @_@. for almost two years never tayo naghiwalay (though two months umuwi tayo sa kanya kanyang bahay) natatakot ako pero alam kong anytime magkakahiwalay tayo. nalulungkot ako. remember nung sinabi ko sayo sa panaginip ko na ikakasal ka na. hindi ko nakwento sayo na nagiyakan tayong dalawa dun. na pag gising ko napasigaw ang naiyak ako kasi sobrang bigat sa pakiramdam, ang cheesy kasi masyado. kaya ayoko talaga ng ATTACHMENT sa tao kasi ang hirap makawala, pero alam kong eto na yung time.. nz time matatapos na yung time ko.. SAYO. bago pa sana ako matuluyang makain mo e gusto ko na ma DETACH sa tabi mo. masyado ko na namang nabuhos ang sarili ko sa tao parang TIME = YOU. ganun na naman ang nararamdaman ko. (ang likot mo matulog nagtatype ako sumisiksik ka na naman sakin). tipong sa lahat ng bagay magkasama tayo kulang na lang kahit sa kama magkatabi tayo...... ayan nasa gilid kita ngayon. MAGKATABI SA KAMA.. parang na mighty bond ang bituka nating dalawa. nakakalungkot. alam kong dapat enjoy-in ko ang REMAINING days nating magkasama pero netong time na to (madaling araw nagising nalang ako at naiyak... labo) narealize ko na we're not for forever... gets... hindi naman kita jowa na pwedeng i live-in or pakasalan, hindi kita maconsider as bestfriend.. kasi para sakin you're beyond that line, hindi rin naman sister apat lang ang sister ko dami na masyado nun yoko na madagdagan yun. ewan ko bakla... alam ko ang pinagdadaanan mo and ang lungkot mo na araw araw gusto kita mapasaya na natutuwa na ako na masaya ka ang babaw ko lang. lahat inaaral ko para sa'yo hindi mo naman pinipilit sakin na gawin ko pero yun na din kasi yung nagpapasaya sakin = IKAW. minsan nagsisisi ako bakit pa kasi pinatuloy kita nun kina rashida. pero dun pa lang habang nililipat ko yung rocking chair para magka-space yung mga gamit mo sa kwarto ko, mindset ko na hindi tayo magtatagal dahil ayaw ko na nga ng ATTACHMENT sa tao kasi ilang beses na ako nasaktan ng salitang yan. and ngayon ayan na naman siya na parang kamatayan lang pag tinanggal. ilang beses na ako napaiyak niyan. kung baga para akong sinuntok sa sikmura tapos icocomfort ako na anyway naghiwalay kayo for the better, sa ikagaganda ng bansang pilipinas, ganun yung pakiramdam ng salitang yan. i know na mas nag cacare ako more ikaw sakin kaya nasasaktan ako kasi akala ko hindi ko na magagawa yun. na lahat na lang na kinikeep ko e mawawala. ang hilig ko kasi magtago ng may sentimental value sakin na kahit taong may value sakin e halos makeep ko na, na kahit mukha nang basura sa iba importante sakin kaya itatago ko and inaalagaan, kahit plastic ng candy. So para hindi na ako malungkot 7 months ago before pa tayo lumapag dito mindset ko na.. ihahatid lang kita dito tapos iiwan na kita sa family mo. akala ko madali. isa pa mismo nagsabi sa kanila na wag kita iwan.. ang sakit lang kasi sabi ko iiwan na kita kaso nagpromise pa ako. hindi ko alam kung anong mangyayari and natatakot ako ienjoy kasi bigla ka nang aalisin sakin malulumpo na naman ako.. gusto ko paulit ulitin na ALAM KONG ANYTIME MAGKAKAHIWALAY TAYO.. the more na tumatagal tayong magkasama lalo akong nalulungkot kasi alam kong hindi magtatagal to. sabi ko pa nun pagnaayos ang problema mo and masaya ka na iiwanan na kita.. HINDI PALA ganun kadali. the more na nakikilala kita sa iba't ibang paraan lalo akong nanghihina na iwanan ka. eto na naman yung pakiramdam ko.. kung alam mo lang kung gaano ko na ikaw gustong iwanan. nasabi ko na lahat ng to sa mga kaibigan ko selos nga sila sayo e. hindi ko rin naman alam bakit ako ganito sayo. sobrang lungkot ko lang siguro ngayong oras na to hindi na ako makabalik ng tulog kahit alam kong may pasok tayong dalawa pareho mamaya. sobrang naging comfortable na tayo sa isa't isa.. na kinakatakutan kong mangyari.. na ayan na nangyari na. feeling ko in order na magmature tayong dalawa we need to separate. nakakamiss ang hilik at cute na utot mo sa gabi pagnagigising ako and ang matapang mong boses pagipinaglalaban mo ang kanta mo. yung takot mong matalsikan ng mantika, ang benefit ko pag namamasahe ka (minamanipulate mo ang "benefit").. at ang mukha mo na hawig ni Coco Martin. bakit ka ganyan. tinatry ko na umiwas sayo kanina gusto ko simulan pero you entered the house with that wicked face/ smile. sa lahat ng nakasama ko sayo ko lang minind set na "ah eto wala lang to, anytime magkakahiwalay din kami na hindi impossible na mangyari yun" o diba halos 2 years na tayo magkasama. Ilang beses ko na naexperience to na bakit hindi pa ako madala. you're my Mount Everest.. kung baga na co- conquer ko lahat pagnapapasaya kita. proud ako sa ginagawa ko sayo kasi minsan hindi ko maimagine na magcare sa ibang tao.. honestly "selfless" (selfish) din ako. i care much sa sarili ko than others kahit noon sa family ko.. ikaw nagturo sakin na maging mapagbigay sa kapwa. ang hirap tae.. pero sana makayanan ko na pagdumating yung time na yun e matanggap ko.. pagnakikita ko kasi itsura mo dapat naiirita na ako hindi na ako yung matutuwa. hayup yan never ko talaga naimagine na magkakaganito ako sayo. na anytime pwedeng dumating ang knight in shining armor mo (hindi ko alam kung sino sa kanila) na ako ang magbibigay na kamay mo.. ang sakit sakin nun. (for some reason naisip ko hindi kaya anak kita nung past life ko?) motherly care ang nabibigay ko sayo.. napalaki kitang mabuti anak.. LOL... hai ewan. ano ba to.. hindi kita ma label sa buhay ko you're more than a friend but you're less than a lover? hahaha.. ikaw lang ang nagiisang bakla ko. gusto man kita makasama hindi na pwede dahil alam kong hindi to magtatagal. sana madali lang ipasok sa utak ko yan.. never ko naexperience to sa mga barkada ko and ibang friends ko. i hate the day na first na we met when you asked me to sit beside you... ayan na.. dun nagstart na kinadena mo na bituka ko sayo. bakit kasi ganito. ang hirap i accept ang changes sa buhay ikaw na lang ang naghohold sakin e.. na feeling ko pagbumitaw ako sayo makikita ko ang hinahanap ko. pero bakit kelangan ganun?!? "you're my downfall, you're my muse, MY WORST DISTRACTION.." siguro kahit masakit kelangan ko gawin ayan na naman.. hindi ba pwedeng sabay tayo mag grow? feeling ko ang stagnant ko na naman. alam kong wala naman akong halaga sayo hindi mo nafefeel to dahil maraming taong nagmamahal sayo, so feeling ko hindi mo naman mapapansin pag nag start na akong lumayo.. sana magawa ko.. @________@. natatakot na akong masaktan at maiwan. ayoko lang ng ganitong pakiramdam.

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments